![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjN5nrm7EDc7unTrvyXi0httux-lFvYIE-3Qw9TsOZxhw9EUcwm7ViFar1YptTpdPtmU5w30gpqbuzQ7qwcxF85YSFkPLH5enGUh2IHeQUQWLrWcFMZj8EqB1d-RzPrcT15MdcOIeTCV0o/s320/683887-Grandmother-Hungary.jpg)
Nagawi ako sa bandang Pampanga. Nakakahiya man sabihin ang inyong lingkod ay isang aktibista... nakikiepal lang sa iba't ibang aktibidad na gusto kong pakialaman (pakelam nyo ba?).
May pagka-humanitarian din ako kahit papano, sinu-sino pa nga ba ang maglilingapan ng TOTOO, kundi, kami-kami ding mahihirap na nakaranas ng hirap. Ayun nga, marami na naman akong nakaharap na Espesyal na tao - mga may kapansanan, ulila, walang anuman sa buhay, mga lalake at babaeng bao, at tulad kong special child.
With my knowledge and background in the science of Caring, kinuha ko ang attendance nila (4 years ko pinag-aralan yan!) kasama ang iba pang vital informations tulad ng kung saan sila tumatambay, edad, civil status at suking tindahan. Spend your time wisely, kaya naman sinamahan ko na rin ang pagtatanong ng konting bonding at nursing touch. Nakakataba sila ng puso, dahil sa kabila ng kanilang kahirapang pisikal at pinansyal, pilit pa rin nilang nilakbay ang Pampanga para sa Big Event ng Miniscule People.
Isa na nga sa kanila si Lola. Pangalanan na lang natin syang Lola.... Bunny. 85 year old na ang lola mo pero umaariba pa rin. Would you believe na galing pa syang Batangas? She's a master commuter, at dahil nga sa tanda nyang yan, nag-Masteral na sya sa pagko-commute! Mag-isa lang syang naglakbay at heto pa, dumaan daw muna sya sa kapatid nya sa Tondo para mangamusta at saka pumunta sa Pampanga. Kalabaw nga lang talaga ang tumatanda!
Sabi nila, pisikal or katawan lang daw ang tumatanda pero ung espiritu (or the inner man) mo hindi. Bakit nga ba tayo tumatanda, actually puro theory pa lang. Meron about sa Telomere, sabi nila dahil din daw sa free radicals na primary cause of aging. Pero bago pa man ako humantong sa sandaling ito, I would like to enjoy the most of my youth. Baka nga hindi na rin ako tumanda, dahil baka din mamatay akong bata. Pero ang baka tumatanda (kalabaw pala!)
Basta, patuloy ko lang gagalugarin itong daang tinatahak ko. Pulutin ang kapaki-pakinabang at itapon ang basura sa tamang tapunan (multa 500)
No comments:
Post a Comment